Had my first wedding nightmare! ๐ต
So patapos na daw editing ng SDE namin (c/o Aisle 1401), and pinanood ko muna sya bago iplay for everyone. Ang ganda-ganda ng simula! As in nakita ko sarili ko sa SDE naka-wedding gown at uma-awra, si Hero naka-suit pumo-pose pa. May voice over ng vow pa! Umaanggulo ng bongga at very cinematic ang slow mo effect! Kaso.... yun na! Biglang patapos na e 1 minute pa lang!!! ๐ฃ Puro awra lang at wala man lang video ng ceremony or preps! ๐ญ WUUUHT!!!! NYARE! Nadisappoint ako sinabi ko kay videographer, sabi nya 1 song lang daw kase pinili ko at yun lang yun, e di ko naman alam!!! Tapos if gusto ko daw, gagawa na lang sila bago SDE pero after the wedding na matatapos, and yung 1 minute lang muna ipe-play sa reception. I KENAT! NOOOOO! Hindi pwede tooooo! HUHUBELLS!!! ๐ญ๐ญ๐ญ
The reason? Hahaha well about a couple of weeks before I had this dream, may mga nakausap akong other brides-to-be ng Aisle 1401 na bothered sa licensing of their music sa SDE. Yung package kase is inclusive of a $50 license fee for one song. Eh ang gusto ko sana two songs, so gusto ko i-clarify sa Aisle 1401 if we need to pay separately pa ba for another song license. Ayun, I guess nasa subconcious ko sya all this time kaya yun ang napanaginipan ko hahahaha
Ang nakakatawa lang for me is ang gown ko sa dream ko ay yung Mak Tumang gown ng isang WaWie (na may 24 waistline! ๐ baka it's a sign na posible kong ma-achieve ang ganong waistline by December ๐ Ang tinding pangarap!
Pero grabe. Totoo pala talaga ang wedding nightmares. Hindi sya joke! Partida, minor issue lang naman yung sa dream ko, and what I mean sa minor is, HINDI SYA DISASTER! I've heard and read much much worse wedding nightmares na malala talaga and sobrang sakit sa puso! Yung tipong mapapa-hagulgol ka na lang din pagkagising mo just thinking about it if wedding mo na yon! Grabe. Ito pa lang yun. What if next na mapanaginipan ko na is **** and ********* na sobrang sakit sa bangs? OH NOESSSSS!
Nakaka-praning! But I think it's normal lang naman. And these are times when I reaaally reallly love my fellow brides-to-be! Yung pag nag-kwento ka, relate sila. Kase alam nyo pare-pareho ang feeling. Dama nyo ang stress, ang sakit, at pagka-praning not only on wedding nightmares but on actual wedding stress!
I'm not expecting na hindi na ko magkakaron ng wedding nightmare. But sana lang wag yung malalaaaa! Hahaha shaksssss!
XOXO,
No comments:
Post a Comment